Lunes, Setyembre 8, 2014

                                           “MGA KABATAANG  MANGGAGAWA”


                   Ilan na ba ang mga kabataan na ngayon ay nagtratrabaho sa kanilang murang edad? Tila ba ay parami ng parami ang mga batang nagbababanat ng buto para may makain at maiuwi sa kanilang pamilya. Hindi ba’t makabagbag damdamin ang ganitong sitwasyon? Sitwasyon na laganap na sa ating lipunan. Mga bata na sana’y naglalaro at nag aaral ngayon ay namulat sa pagtratrabaho. Minsan lang sila bata  kaya hindi dapat natin ipagkait sa kanila ang pagkakataon na makapaglaro at maging masaya.

                  May mga rason kung bakit parami ng parami ang mga batang mangagawa. Isa  na dito ang kahirapan.Isa ito sa dahilan kung bakit may mga batang napipilitan magtrabaho pero sana maisip ng magulang ng mga batang ito na karapatan nilang mag aral at obligasyon ng magulang na pag aralin ang anak. Kung hindi nila kayang tustusan ang kanilang mga anak sana inisip nila simula’t simula pa lamang. Hindi yung ang mga bata ang nagsasakripisyo para sa pamilya. Ang mga magulang ang may malaking obligasyon sa kanilang mga anak. Obligasyon nila na alagaan, pag aralin at bigyan ng masayang buhay ang mga anak pero kung ating susuruin ngayon, mukhang na wala nalang ng parang bula ang mga karapatan ng mga kabataan.Kasi mismo ang kanilang mga magulang ang bumubugaw sa kanilang sariling anak para magka pera. Hindi ba’t nakakapanlumo isipin? Sariling anak pinagpeperahan. Ayaw kong isipin na darating ang araw na ang mga batang ito ay mapariwara ang buhay dahil walang tamang gabay sa kanilang magulang.

               Ang mga kabataan ay may karapatan na maging isang bata na kung saan walang problemang iniisip o di kaya naman walang mga mabibigat na gawain na inaasa sa kanila. Huwag din natin sana ipasa sa gobyerno ang suliraning ito dahil nagsisimula naman ito sa magulang. Kung maging responsable lang ang mga magulang ng mga batang ito wala sanang batang nagtratrabaho  sa murang edad.Ang mga bata sanang ito ay nag aaral para malinang ang kanilang pag iisip para sa ikagaganda ng buhay nila sa darating na panahon. Mga bata na sa darating na panahon ay mamumuno ng ating lipunan para sa ikauunlad ng bayan.Mayroon din namang magagawa ang gobyerno para matulongan ang mga batang ito. Isa na dito ang pagbibigay ng pangkabuhayan sa mga mahihirap na pamilya para naman sa ganon ay hindi na magbibilang ng poste ang mga magulang nila at matustusan ang pag aaral ng mga bata. Kaya sana isa isip natin ang kahalagan ng mga kabataan.