“MGA KABATAANG MANGGAGAWA”
Ilan na ba ang mga kabataan na ngayon ay nagtratrabaho sa kanilang
murang edad? Tila ba ay parami ng parami ang mga batang nagbababanat ng buto
para may makain at maiuwi sa kanilang pamilya. Hindi ba’t makabagbag damdamin
ang ganitong sitwasyon? Sitwasyon na laganap na sa ating lipunan. Mga bata na
sana’y naglalaro at nag aaral ngayon ay namulat sa pagtratrabaho. Minsan lang
sila bata kaya hindi dapat natin
ipagkait sa kanila ang pagkakataon na makapaglaro at maging masaya.
May mga rason kung bakit
parami ng parami ang mga batang mangagawa. Isa
na dito ang kahirapan.Isa ito sa dahilan kung bakit may mga batang
napipilitan magtrabaho pero sana maisip ng magulang ng mga batang ito na
karapatan nilang mag aral at obligasyon ng magulang na pag aralin ang anak.
Kung hindi nila kayang tustusan ang kanilang mga anak sana inisip nila simula’t
simula pa lamang. Hindi yung ang mga bata ang nagsasakripisyo para sa pamilya.
Ang mga magulang ang may malaking obligasyon sa kanilang mga anak. Obligasyon
nila na alagaan, pag aralin at bigyan ng masayang buhay ang mga anak pero kung
ating susuruin ngayon, mukhang na wala nalang ng parang bula ang mga karapatan
ng mga kabataan.Kasi mismo ang kanilang mga magulang ang bumubugaw sa kanilang
sariling anak para magka pera. Hindi ba’t nakakapanlumo isipin? Sariling anak
pinagpeperahan. Ayaw kong isipin na darating ang araw na ang mga batang ito ay
mapariwara ang buhay dahil walang tamang gabay sa kanilang magulang.